Sunrays

Blogger Template by ThemeLib.com

Nasaan ka man...

Published by Brandon under on 6:06 AM


Kilanma'y hindi nila mararating ang iyong nilakbay
Hindi magtatagpo ang inyong mga landas
Magkaiba ang katotohanang inyong nakikita,
sapagkat pareho kayong bulag sa pananaw ng isat isa

Kailanma’y hindi nila maririnig ang bulong ng iyong puso,
sapagkat mga sigaw lamang ang kaya nilang dinggin
Pilit ka nilang nilamon sa kastilyong kanilang hinabi
Binihisan ka ng magara upang maging hari

Ngunit sinuka mo itong parang panis na kanin,
at nagtatakbo ng hubot hubad
Iniuntog ang iyong ulo upang makalimot,
at pinagpatuloy ang pagtakbo
Hindi ka lumingon ni minsan

Tumatakbo ka pa rin, sa ulan, sa tubig, sa hangin,
sa araw, sa kadiliman, sa liwanag
Hindi na kita matanaw, kinain ka na ng kagiliran
Iniwan mo ako,
sa mundong dapat mo sanang paghaharian

Sa pag-untog mo sa ulo mo,
nilimot mong narinig ko ang iyong mga bulong
nilimot mong ako’y bulag din, kasabay mong nabulag

Nasaan ka man,
kailanmay hindi ko mararating ang nilakbay mo
Hindi magtatagpo ang ating landas
Ngunit nakita ko ang katotohanang iyong nakita
Sapagkat akoy bulag na katulad mo

0 comments:

Post a Comment

 

Lipsum

Followers